Reklamo laban sa 7 suspek sa Salilig hazing case, submitted for resolution na

Idineklara nang submitted for resolution ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors ang mga reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law laban sa pitong suspek sa pagkamatay sa hazing ng estudyanteng si John Matthew Salilig.

Kahapon ay tinapos na ng panel ang isang pagdinig sa reklamo.

Ayon sa panel of prosecutors, sa pitong suspek ay tanging ang sinasabing master initiator na si Daniel Perry ang nagsumite ng kontra-salaysay.


Hiniling naman ng apat na suspek na sina Tung Cheng Teng Jr., Mark Pedrosa, Sandro Victorino, at Michael Lambert Ritalde na iurong ang hirit nila na preliminary investigation at ito ay inaprubahan ng panel.

Si Romero Earl Anthony naman ay muli iginiit ang inihaing sinumpaang salaysay sa inquest proceedings.

Hindi naman pinagbigyan ng DOJ panel ang hiling ni Jerome Balot na palawigin pa ang deadline ng pagsusumite ng kontra-salaysay.

Dahil dito ay tapos na ang pagdinig ng DOJ sa hazing complaint at ito ay reresolbahin na ng panel.

Facebook Comments