
Inihahanda na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga isasampang reklamo laban sa mga nasa likod ng mga sinalakay na bodegang naglalaman ng mga pekeng sigarilyo.
Ayon sa BIR, nagsasagawa na ng follow-up investigation para matukoy ang mga may-ari ng mgawarehouse at iba pang sangkot na indbidwal.
Mahaharap anila sa paglabag sa National Internal Revenue Code at iba pang batas ang mga mapapatunayang sangkot sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng yosi na gumagamit din ng pekeng tax stamps.
Sabi ni BIR Commissioner Charlito Mendoza, kailangang masugpo ang mga ganitong kalakaran na nagdudulot ng kawalan ng kita para sa gobyerno.
Nitong mga nakalipas na linggo, nagsagawa ng serye ng pagdalakay sa mga bodega ang mga awtoridad kung saan umabot sa mahigit ₱460 million ang halaga ng mga peeng sigarilyo, tax stamps at mga gamit sa paggawa ang nasabat.
Ayon sa ahensiya, dahil sa mga matagumpay na operasyon ay napigilan ang pagkalugi ng pamahalaan mula sa pagbebenta ng mga produktong walang binayarang tax at pinoprotektahan din ang mga lehitimong negosyo sa bansa.










