Reklamo ng dalawang Chinese na nasagip sa iligal na POGO sa Porac, Pampanga, sinusuri na ng DOJ

Isinasailalim na ng Department of Justice (DOJ) sa pagsusuri ang reklamo ng dalawang Chinese na nasagip sa iligal na POGO sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Prosecutor Darwin Cañete ng Anti-POGO Task Force, matapos ang pagsusuri ay saka pa lamang itatakda ng DOJ ang preliminary investigation para dinggin ang reklamo laban kina Qin Ren Gou at Jiang Shi Guang na sinasabing mga manager ng Lucky South 99.

Ang dalawang ay inireklamo ng kapwa nila Chinese ng human trafficking, robbery with violence, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention.


Kabilang sa mga naghain ng reklamo sa DOJ ang Chinese na nasagip ng mga otoridad na nakaposas sa frame ng kama at isa pa na bugbog sarado ng mga tauhan ng POGO.

Ang dalawang manager ng POGO ay nananatili na sa temporary detention facility ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City, habang at patuloy na pinaghahanap ang pitong nilang kasama.

Facebook Comments