Kinalampag ni Senator Imee Marcos ang Commission on Elections o COMELEC para aksyunan ang sangkaterbang reklamo ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs na hindi makapagparehistro para sa 2022 elections.
Ayon kay Marcos, anong saysay na naglagay ng online registration ang COMELEC para sa OFWs pero puno na.
Mungkahi ni Marcos, payagan ang mga walk-ins na OFWs upang hindi masayang ang kanilang day off at pagbyahe para magparehistro.
Giit ni Marcos, may karapatan ang mga OFW na bumoto kaya dapat silang bigyan ng pagpapahalaga at huwag susungitan tulad ng ginawa ng ating embassy officials sa Taiwan na pinalayas sila.
Paalala ni Marcos, malaki ang ambag ng OFWs o kanilang remittance sa kaban ng bayan.
Facebook Comments