
Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na tutugunan nila ang reklamo ng ilang PUV driver at operator na hindi nakatanggap ng kanilang mga fuel subsidy noong mga nakaraang taon.
Sa mga nakalipas na pamamahagi ng fuel subsidy, maraming drivers at operators ang umangal dahil hindi sila nakatanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan.
Pero pagtitiyak kay LTFRB Spokesperson Ariel Inton, unconsolidated man o hindi ay makakatanggap ng fuel subsidy na malapit nang ipamahagi ng gobyerno.
Tiniyak din ng LTFRB na gagamit sila ng maraming paraan para maipamahagi agad ang fuel subsidy.
Nariyan ang paggamit nila ng umiiral na Pantawid Pasada Cards o fuel cards, bank-to-bank transfer at pag-transfer sa E-wallet accounts para hindi maulit ang delay sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV driver.
Puwede namang kunin ang subsidy sa pamamagitan ng over-the-counter sa piling bangko sakali namang hindi available ang mga nasabing transfer methods.









