Manila, Philippines – Nakitaan ng Department of Justice ng probable cause sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide si dating Health Sec. Janette Garin at labing-siyam na iba pa kaugnay ng unang batch ng Dengvaxia case na isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO).
8 counts ng nasabing kaso ang inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors na isampa laban kina Garin, at DOH Doctors na sina Dr. Vicente Belizario Jr., Dr. Kenneth Hartigan-Go, Dr. Gerardo Bayugo, Dr. Lyndon Lee Suy, Dr. Irma Asuncion, Dr. Julius Lecciones, DR. Maria Joyce Ducusin, Dr. Rosalinda Vianzon at Dr. Mario Baquilod.
4 counts naman ng reckless imprudence resulting in homicide ang pinasasampa ng DOJ laban kina Dr. Maria Lourdes Santiago at Melody Zamudio ng Food and Drug Administration.
Habang 8 counts ng nasabing kaso laban kina Dr. Socorro Lupisan at Dr. Maria Rosario Capeding ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
8 counts din ng nasabing kaso ang pinasasampa laban sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc. na sina Carlito Realuyo, Stanislas Camart, Jean Louis Grunwald, Jean Francois Vacherand, Conchita Santos at Jazel Anne Calvo
Absuwelto naman sa kaso sina health Sec. Francisco Duque , dating OIC Dr. Herminigildo Valle; gayundin sina Pearl Grace Cabali at Maria Ester Vanguardia-De Antoni ng sanofi pasteur inc.
Dismissed din ang reklamo laban sa mga opisyal ng Zuellig Pharma Corp. na sina Kasigod Jamias, Michael Becker, Ricardo Romulo, imran Babar Chugtai, Raymund Azurin, Nilo Badiola, John Stokes Davison, Mar. Franck, Ashley Gerard Antonio, Ana Liza Peralta, Rosa Maria Chua, Danilo Cahoy, Manuel Concio III, Roland Goco at Ma. Visitacion Barreiro.
Nabasura naman ang reklamong paglabag sa anti torture act laban sa mga nabanggit na respondents na isinampa ni jeffrey alimagno.
Dismissed din ang reklamong obstruction of justice na isinampa ni Alimagno laban kay Duque.