Reklamo sa ethics committee laban kay Senator Trillanes, pinag-aaralan ni Sen. Ejercito

Manila, Philippines – Pinag aaralan ngayon ni Senator JV Ejercito ang posibleng pagsasampa ng reklamo sa senate ethics committee laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Ejercito, mahirap mang gawin sa isang kasamahan, ay ikokonsulta ni ejercito sa mga kasamahang senador ang nabanggit na hakbang laban kay Trillanes.

Ang hakbang ni Ejercito ay makaraang ihayag ni Trillanes na ang mga senador ay duwag, at mistulang tuta o puppet ng administrasyong Duterte.


Diin ni Ejercito, nakakasira na sa senado bilang institutsyon si Trillanes at nakakapag pagulo na rin ito sa buong bansa.

Giit pa ni Ejercito, kahit matindi ang pagkontra sa administrasyong Duterte ay hindi dapat magpakita ng pambabastos si Trillanes at pagkakaroon ng asal na hindi akma para sa isang mambabatas.

Ipinaliwanag ni Ejercito na silang 23 mga senador ay may kanya kanyang pagiisip at sa halip na insultuhin at bansagan ng masama ang isat isa ay sa debate nila idinadaan ang anumang hindi pagkakaunawaan o pagkakasalungat ng opinyon at paninindigan.

“Maybe it is high time that we refer to the Senate Ethics Committee Sen. Trillanes’ actions since he is becoming damaging to the institution and becoming destructive to the country. I Will consult my colleagues on this matter,” pahayag ni Senator Ejercito.

Facebook Comments