INULAN ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng Dito Telecommunity.
Ang post ng Dito sa Facebook na nag-aanunsiyo sa pop-up shops sa buong Metro Manila kung saan maaaring makabili ng SIM cards ay umani ng mga negatibong reactions mula sa mga netizen at user.
Ang mga negatibong reaksiyon ay nakatuon sa umano’y ‘superly bad’ service ng Dito, SIM cards na hindi compatible sa ibang phones, unstable signal, slow o erratic internet speed at iba pa.
Inireklamo naman ng iba ang umano’y overpriced SIM cards at poor customer service.
“After 2 days still no answer!,” pahayag ng isang galit na customer, na sinabing nag-order siya ng SIM ngunit nabigong matanggap ito pagkalipas ng ilang araw.
“I wanna feed back, Your network service right now Is superly bad, The netwrok isn’t stable It vanishes then comes back again. Wtf is wrong? It happened for like 7x now,” daing ng isa pang customer.
“Super bad talaga sa aking observation simula ng pag bili ko hindi ako na satisfied sa network ng DITO, The service here in Calamba City Laguna (Paciano area) is so slow. You are not transparent, when we order you sent us a random number but there’s a lot of seller in shoppee and lazada selling special numbers or vanity numbers, so maybe one of your workers or employees separate this number to sell it for the higher price,” ang ilan pa sa mga reklamo ng netizens.
“Here in Santo Tomas, Davao del Norre, DITO signal is not stable; alao sometimes 4 mbps or
7 mhps… it’s disappointing pls fix this so we can enjoy your promo,” bahagi ng reklamo na ipinost ng isang Vane D.
Isa pang post ang humihiling na ayusin ang signal nito sa isang sikat na mall sa Pasay City: “Nasa commercial area ako pero walang signal ang DITO.”
Sa isa pang post ng isang galit na customer ay nakasaad na, “Bwesit sobrang hina ng signal tapos biglang baba yung mb mo bwesit.”
Nauna nang inamin ng isang mataas na opisyal ng Dito Telecommunity na ‘inferior’ ang serbisyo nito sa Globe Telecom at Smart Telecommunications.
Ang pag-amin ay ginawa dalawang buwan makaraang ilunsad ang Dito sa bansa.
Sinabi ni Dito chief technology officer Rodolfo Santiago na kailangan nilang pagbutihin ang connectivity speeds sa mga lugar na mahirap maabot at paganahin ang kanilang SIM cards sa mas maraming mobile phones.
“Medyo challenging nga ‘yun para sa amin kasi nga we have established a new technology, we don’t have 2G or 3G anymore. ‘Yung mga luma na still using 2G and 3G, mukhang talagang hindi siya puwede for our services,” wika ni Santiago sa media briefing sa paglulunsad ng serbisyo ng Dito sa Metro Manila.
“This also includes older generation phones, or those that use keypads rather than touch screens. Another pain point is the compatibility of voice over LTE (VoLTE) services which the network offers for video calls which operate on voice call technology, not needing the internet or online messaging apps.
“There are phones that cannot utilize 100% of the services of Dito,” dagdag ni Santiago, at sinabing “varying standards used by gadget makers could cause ‘very small technical issues’ which may affect user experience.
“To be honest, in some areas that we have some challenge in terms of our rollout, we may not be superior to the incumbents,” ani Santiago.
Inireklamo rin ng mga residente ng Purok Himaya at Purok Paghigugma sa Brgy. Alijis sa Bacolod City ang pagtatayo ng DITO ng cell tower sa kanilang lugar sa paghahain ng petisyon sa City Council para ipatigil ang naturang konstruksiyon.
Noong makaraang Disyembre, naghain ang Malabon City government ng reklamo sa City Prosecutor’s Office laban sa third telco player dahil sa umano’y pagtatayo ng cell site sa Brgy. Tinajeros nang walang kaukulang permit.
Binalewala umano ng DITO ang tatlong notice na inisyu ng Malabon LGU, dahilan para kasuhan ng paglabag sa PD 1096 o ang National Building Code of the Philippines ang mga tauhan ng kompanya.
Mismong si Senadora Risa Hontiveros ang nagbanggit sa isyu ng illegal construction ng DITO cell sites sa mga barangay.