Nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) prosecutors ang reklamong 2 counts of murder laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at iba pa.
Kaugnay ito ng pagkamatay ni radio commentator Percy Lapid at sinasabing middleman na si Jun Villamor.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga principal sa krimen ay sina Bantag at ang kanyang dating deputy na si Ricardo Zulueta.
Sa Villamor killing, lumalabas naman na ang mga principal ay ang dalawang Bilibid gang leaders na sina Alvin Labra at Aldrin Galicia.
Anim naman na iba pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang itinuturing na principals by direct participation.
Sa Lapid killing, lumalabas naman na si self-confessed gunman Joel Escorial at ang kanyang kasamahan na si Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan at isang alias Orly ang principals by direct participation.
Habang ang limang iba pang PDLs ay principals by indispensable cooperation.