Reklamong grave threat laban kay Kris Aquino, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang inireklamong grave threats laban kay Kris Aquino ng kanyang dating business manager na si Nicko Falcis.

Kinatigan ng korte ang depensa ni Kris na normal na “human reaction” ang kanyang sinabi kay Falcis noong mag-usap sila sa telepono tungkol sa hindi awtorisadong credit card transaction.

Kabilang na rito ang pagbabanta ni Kris na ipapatay si Nicko kung saan inabot pa ng ilang buwan bago tawaging death threat ito ni Falcis.


Walang ginawang hakbang si Falcis para tiyakin ang kanyang seguridad gayung mayroon siyang koneksyon.

Samantala, nagkomento pa si Falcis sa Instagram ni Kris na umaapela ng dasal at kapayapaan para sa kanyang pamilya habang nag-alok ang TV-host na mag-aregluhan na sila.

Facebook Comments