Binasura ng Department of Justice (DOJ) ang criminal complaint na inihain ni dating health secretary Janette Garin laban sa kanyang successor, na si dating DOH secretary Paulyn Jean Ubial kaugnay ng Dengvaxia vaccine controversy.
Ayon sa DOJ,wala silang nakitang probable cause sa reklamong inihain ni Garin laban kay Ubial.
Bigo rin anila si Garin na makapagbigay ng pangalan ng namatay ng kahit isang biktima ng pag-apruba ni Ubial sa community-based immunization program.
Una nang ginamit ni Garin na ground sa reklamo ang ginawa raw ni Ubial na shifting sa dengue immunization program sa community-based na dapat ay school-based lamang kaya nagresulta ito ng pagkamatay ng maraming bata.
Ikinatwiran naman ni Ubial na hindi naman taliwas sa rekomendasyon ng World Health Organization ang pagpapatupad ng pagbabakuna sa mga komunidad kahit na ito ay dapat school-based lamang.