Reklamong inihain sa DOJ laban kay Sen. Koko Pimentel hinggil sa paglabag sa RA 11332, binasura!

Binasura ng Office of Prosecutor General ang reklamong inihain ni Atty. Rico Quicho laban kay Sen. Koko Pimentel kaugany ng paglabag sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases.

Kaugnay ito ng pagtungo ni Pimentel sa Makati Medical Center (MMC) at ng kanyang maybahay na buntis sa kabila ng naka-isolate ito at kalaunan ay nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Ayon sa Tanggapan ng Prosecutor General, si Pimentel ay hindi public health authority at hindi siya obligadong mag-report ng kanyang medical condition na siyang nakasaad sa RA 11332.


Bukod dito,ibinase lamang daw ni Quicho ang kanyang reklamo sa hearsay na mga balita.

Inamin naman ni Prosecution Attorney Honey Delgado na siya ring spokesperson ng Office of Prosecutor General na nagsumite ng report ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) at inirekomenda nito na ibasura ang reklamo laban kay Pimentel.

Dismayado naman si Atty. Quicho sa pagkakadismiss ng reklamo niya laban kay Pimentel at sa kanyang facebook post inihayag nito na bulag, pipi at bingi ang DOJ taumbayan na ang huhusga.

Facebook Comments