Reklamong isinampa ng isang social media group laban sa mga sangkot sa deepfake video ni PBBM, kasalukuyang pinag-aaralan ng PNP-ACG

Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isinampang reklamo ng grupong Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMP) laban sa umano’y sangkot sa deepfake video ni Pangulong Bongbong Marcos.

Inilahad naman ng tanggapan ng PNP-ACG sa pangunguna ni Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang mga kakailanganin para sa paghahain ng kaukulang kaso.

Base umano sa kanilang inisyal na imbestigasyon, natukoy na ang IP address ng pinagmulan ng video ngunit hindi pa ang taong nasa likod nito dahil posible aniyang gumagamit ito ng proxy server o virtual private network.


Aminado naman si Guillermo na malaking hamon sa kanila ang pagtukoy ng taong nasa likod ng IP address at posibleng magtagal ng ilang buwan ang imbestigasyon.

Dagdag pa ng opisyal, haharap sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 sa oras na matunton ang mga ito.

Facebook Comments