Tuluyan nang ibinasura ng Davao del Norte Prosecutor’s Office ang mga reklamong kriminal laban sa pitong indibidwal na tinaguriang Bakwit School 7.
Sa resolusyong pinalabas ng Davao del Norte Prosecutor’s Office, ibinasura ang mga kasong kidnapping, serious illegal detention, at child abuse laban sa respondents.
Ipinaliwanag ng piskalya na labas sa kanilang hurisdiksyon ang nasabing complaints laban sa respondents.
Wala ring sapat na ebidensya at probable cause na susuporta sa mga akusasyon laban sa respondents.
Inutusan din ang Philippine National Police (PNP) na agad palayain ang respondents na kinabibilangan nina:
• Chad Errol Booc
• Segundo Melong
• Benito Bay-Ao
• Moddie Mansimoy-At
• Esmelito Oribawan
• Roshelle Mae Porcadilla,
• Jomar Benag
Pebrero nang isailalim sa kustodiya ng pulisya ang 19 na mga menor de edad na kaanib ng Manobo tribe.
Kasunod ito ng raid na isinagawa sa isang retreat house sa loob ng University of San Carlos-Talamban Campus sa Cebu City.
Ikinatwiran ni dating PNP Chief Police General Debold Sinas na isinagawa ang operasyon dahil sa nangyayaring recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga menor de edad para gawing mga mandirigma ng kanilang kilusan.