Umaabot na sa 336 ang reklamong iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa maanomalyang distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid simula April 2020.
Sa ulat ng PNP-CIDG, ang 336 na reklamo ay mula sa 723 complainants kung saan inirereklamo nila ang 1063 na indibidwal dahil sa pandaraya sa pamimigay ng SAP cash aid.
Karamihan sa mga inirereklamo ay elected public officials, mga Purok leaders, Brgy. Secretaries, health workers, social workers at sibilyan.
Sa bilang naman ng mga iniimbestigahang reklamo ng CIDG, 240 cases dito ay cleared na, 46 ay iniimbestigahan pa rin, 3 ay readied for filing, 6 ay ni-refer sa ibang ahensya ng gobyerno at 41 reklamo ay hindi na naisampa dahil sa mga valid reasons.