Reklamong paglabag sa quarantine protocols laban kay Sen. Koko Pimentel, submitted for resolution na

“Submitted for resolution” na ang reklamo laban kay Senador Koko Pimentel kaugnay ng paglabag sa quarantine protocols.

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na nakapagsumite na ng kaniyang reply ang complainant na si Atty. Rico Quicho sa counter affidavit ni Pimentel.

Si Pimentel ay nagsumite na rin ng kaniyang rejoinder.


Matatandaan na si Pimentel ay inireklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa sinasabing hindi pagsunod sa quarantine protocol nang magtungo siya sa Makati Medical Center (MMC) noong Marso para samahan ang misis na manganganak.

Nabatid na Person Under Investigation (PUI) si Pimentel at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 noong magtungo sa nasabing ospital.

Nagalit din noon ang pamunuan ng Makati Medical Center sa ginawa ni Pimentel na anila’y iresponsable at nalagay sa peligro ang kalusugan ng kanilang mga medical frontliners.

Inendorso na rin ng Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo ni Quicho laban kay Pimentel.

Facebook Comments