Reklamong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino laban sa kanyang dating business manager, ibinasura ng Korte

Manila, Philippines – Ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang reklamong qualified theft na isinampa ni Queen of All Media Kris Aquino laban sa kanyang dating business manager na si Nicko Falcis.

Sa apat na pahina ng desisyong pirmado ni Assistant City Prosecutor Paolo Barcelona, at inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel Medina, nakasaad sa resolusyon na hindi napatunayan ni Kris na ninakawan siya ni NICKO ng p1.270 million sa pamamagitan ng paggamit ng company credit card.

Sa kanyang complaint affidavit, inakusahan ni Kris si Nicko ng paggamit ng credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) nang walang kaukulang pahintulot mula sa kanya.


Dahil dito, sinampahan ni Kris si Nicko ng 44 counts of qualified theft sa pitong siyudad sa Metro Manila, kasama ang makati, at ang mga siyudad ng San Juan, mandaluyong, Pasig, TAGUIG, Manila, at Quezon City.

Humihingi si Kris ng danyos na aabot sa of P32.27 million.

Sa ngayon ay wala pa naman komento ang magkabilang panig.

Facebook Comments