Reklamong qualified trafficking, inihain ng PNP-CIDG at PAOCC laban kina Cassandra Li Ong at iba pa

Nagsampa na ng reklamo ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga nasa likod ng iligal na POGO sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ilan sa mga inireklamo ng PNP-CIDG at PAOCC ng qualified trafficking ay sina Cassandra Li Ong at Ronalyn Baterna.

Bukod dito, may 50 iba pa na kinabibilangang ng mga foreign national at Filipino ang isinama rin sa reklamo ng PAOCC at PNP-CIDG kasama ang iba pa na may kinalaman sa iligal na gawain sa Lucky South 99.


Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, mas lalong tumibay ang paghahain nila ng reklamo matapos ang salaysay ng 10 Chinese nationals na naging biktima ng nasabing POGO.

Sinabi ni Bulacan Provincial Prosecutor Sonny Ocampo, ang mga nasabing Chinese nationals na napunta sa Lucky South 99 ang mga pinautang na hindi nakabayad matapos matalo sa sugal kung kaya’t sapilitan silang pinag-trabaho.

Iginiit naman ni Justice Usec. Nicholas Ty, ito ang unang pagsasampa ng reklamo laban sa mga nasa likod ng Lucky South 99 kung saan maghahain pa sila ng ilang reklamo sa mga susunod na araw.

Facebook Comments