Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang natanggap ng Philippines sa Seoul na sexual harassment complaint laban sa hindi muna pinangalanan na dating Ambassador ng Pilipinas sa South Korea.
Ayon sa DFA, umusad na ang ginagawang imbestigasyon ng kanilang Committee on Decorum and Investigation (CODI) hinggil sa nasabing alegasyon.
Tiniyak naman ng DFA na kapwa nakikipagtulungan sa imbestigasyon ang complainant na South Korean at ang 69 years old na ex-Ambassador na inirereklamo.
Ayon sa DFA, nagresign na rin sa serbisyo ang naturang ambassador noong March 16, 2020.
Tiniyak naman ng DFA ang hustisya sa biktima ng sinasabing sexual harassment ng ambassador ng Pilipinas na sinasabing nangyari noong December 2019.
Una nang napaulat na inilagay na sa wanted list ng Interpol ang nasabing resigned Philippine envoy to South Korea.