REKLAMONG THEFT | Labor Usec Jacinto Paras, inisyuhan ng subpoena

Manila, Philippines – Inisyuhan ng Quezon City prosecutor ng SUBPOENA si Labor Undersecretary Jacinto Paras kaugnay sa reklamong pagnanakaw na isinampa laban sa kanya ni AKBAYAN Party-List Representative Tom Villarin.

Itinuturo ni Villarin si Paras na nagnakaw ng kanyang cellphone sa Kamara.

Ayon kay Senior Assistant City Prosecutor Rodrigo Del Rosario, inatasan ang panig nina Paras at Villarin na humarap sa July 2 at 16 ganap na alas-9:00 ng umaga.


Wala aniya siyang tatanggapin motion to dismiss.

Una nang hiniling ni Villarin kay House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-ban si Paras na pumasok sa Batasan Complex hangga’t hindi ito humihingi ng sorry.

Facebook Comments