Hinihintay pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) kaugnay ng mga COVID-19 vaccine na malapit ng maexpire na hindi naiturok sa 3-day National Vaccination Day.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mas mainam kung mismong sa DOH manggagaling kung ano ang magiging aksyon sa mga Local Government Unit (LGU) na mapapatunanayang nagkaroon ng kapabayaan.
Sinabi naman ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsasagawa na ng fact finding investigation hinggil dito ang DOH at NCOV.
Nauna nang sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na tinitignan na sila kung sino ang may pananagutan sa mga hindi naiturok na 15,000 doses ng AstaZeneca vaccine sa Negros Occidental.