Manila, Philippines – Nais ng Consultative Committee na isama sa mga probisyon ng bagong saligang batas ang pagbuo ng National Competition Authority sa ilalim ng Federal System.
Ang Competition Authority ay isang constitutional office na independyente, mula sa political pressure at impluwensya ninuman
Magkakaroon ito ng sapat na kapangyarihan upang habulin ang mga monopolies, oligopolies, cartels na pumipigil sa kalakalan at komersyo.
Sinabi ni Art Aguilar, Head Ng Econimic Reform Sub Committee, kung luluwagan ang ekonomiya, kailangang tiyakin na magkakaroon ng patas na kumpetisyon at walang player na pahihintulutang mangibabaw sa anumang industriya at merkado o pagkakaroon ng free market competition.
Layon ng Consultative-Committee na makabuo ng rekomendasyon sa kongreso kaugnay ng panukalang Charter Change o pag-amyenda sa ating konstitusyon.