Ipapadala ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon nito tungkol sa Enhanced Community Quarantine sa April 25.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sa Lunes, haharap sa IATF ang mga epidemiologist, scientists, mathematicians at iba pang professionals kung saan ang kanilang sasabihin ay pagbabasehan ng magiging desisyon ng task force.
Pero ang Pangulo pa rin aniya ang magdedesisyon kung aalisin na, imo-modify o ie-extend ang ECQ.
Kaugnay naman ng banta ni Pangulong Duterte na mala-martial law ang pagpapatupad ng quarantine measure, sinabi ni Año na hindi nila ito ipatutupad sa buong bansa. Pero, maaari nila itong gawin sa mga lugar na pinaka-apektado ng COVID-19 at sa lugar na marami ang paglabag sa lockdown.
Facebook Comments