Humirit pa ng isang linggo ang Department of Health (DOH) para lubos na mapag aralan ang mga datos hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, muling magpupulong ang mga eksperto para magkaroon ng re-evaluation sa mga existing evidences sa pagsusuot ng face shield.
Aniya, pagbabasehan pa rin nila sa paglalabas ng rekomendasyon ay ang opinyon ng mga eksperto.
Maaalalang makailang ulit na iginiit ng kagawaran na nagbibigay ng dagdag na proteksiyon ang pagsusuot ng face shield.
Pero dahil unti-unti na ngang lumuluwag ang restrictions at patuloy din sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay dumarami na ang nagbi-bigay ng suhensyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin na ang paggamit ng face shield.