Rekomendasyon kung ipapatupad din o hindi ang COVID-19 Alert Level System sa iba pang lugar sa bansa, ilalabas sa susunod na linggo!

53

Sa susunod na linggo ay magbibigay na ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa posibleng pagpapairal ng COVID-19 Alert Level System sa marami pang lugar sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagtatanong na rin sa kaniya ang ibang probinsya at siyudad kung kailan ipatutupad sa kanilang lugar ang 5-level alert system at granular lockdown.


Noong September 16 nang simulan ang pilot run nito sa Metro Manila na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Umaasa si Año na makakatulong ang bagong istratehiya para mapigilan ang hawaan ng virus.

Facebook Comments