Rekomendasyon kung itataas o mananatili ang Metro Manila sa GCQ, nakatakdang desisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes

Ipinauubaya na lamang ng Malakanyang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na hakbang ng pamahalaan sa pagtatapos ng General Community Quarantine (GCQ) sa Lunes, June 15, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon na silang rekomendasyon at bahala na ang Pangulo kung ito ba ay kanyang susundin.

Inihayag ni Roque na posibleng mailipat na sa Modified GCQ ang mga lugar na nasa GCQ o mananatili pa rin ang mga ito sa GCQ.


Aniya, hindi pa rin kasi bumababa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Metro Manila, maging sa Cebu City.

Facebook Comments