Rekomendasyon na palawigin ang voter registration hanggang Oct. 31, ilalabas na ng COMELEC en banc bukas

Palalawigin na ng Commission on Election (COMELEC) ang voter registration sa bansa.

Ito ang kinumpirma sa RMN-DZXL Manila ni Senator Imee Marcos na siyang chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Ayon kay Marcos, tumawag sa kanya si COMELEC Dir. Teopisto Elnas Jr. at para ipaalam na ipapasa na bukas ng COMELEC en banc ang resolusyon para sa extension ng voter registration hanggang October 31.


Sinabi ni Marcos na maiiwasan na rin ang napakahabang pila ng mga tao mula hatinggabi hanggang umaga na posibleng pagsimulan pa ng hawaan ng virus dahil sa kawalan na ng social distancing.

Dahil dito, inaasahan na hindi lalampas sa 200,000 bagong botante pa ang makakapagpalista.

Samantala, nalampasan na rin ng COMELEC ang target nitong apat na milyong bagong botante matapos na umabot na sa halos limang milyon ang nakapagparehistro para sa halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments