Manila, Philippines – Iginagalang ng Malacañan ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Ito’y matapos ihayag ng AFP na mayroon pa ring threat groups na hindi pa napupuksa kasunod nang pagpapalaya sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar – ang militar ang nakakaalam sa estado ng seguridad ng rehiyon.
Pag-aaralan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng militar at siya ang magdedesisyon sa bandang huli.
Sa ngayon, kabilang sa target ng military operations sa Mindanao ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang lawless elements.
Facebook Comments