Manila, Philippines – Sinusuri na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang isinumiteng rekomendasyon ng Department of National Defense kaugnay sa extention ng Martial Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakarating na sa tanggapan ng Pangulo ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mula sa Armed Forces of the Philippines.
Ayaw namang ibunyag ni Abella kung ano ang inirekomenda ng DND kay Pangulong Duterte pero sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ito ng Pangulo.
Paliwanag pa ni Abella, dapat ay abangan nalang ang magiging desisyon ng Pangulo sa Martial law pero umaasa naman aniya ito na maisasapubliko ito ng Pangulo bago mapaso ang 60 araw na itinakda ng saligang batas.
Facebook Comments