Nakatakdang isumite ngayong linggo ng Department of Justice (DOJ) sa Malacañang ang resulta ng pag-aaral nito sa implikasyon ng posibleng pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at US.
Una nang inatasan ng palasyo ang DOJ na magsagawa ng Preliminary Impact Assessment o PIA sa planong pagpapawalang-bisa sa VFA.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipapaubaya nila kay Pangulong Duterte ang pagpapasya sa isusumite nilang impact assessment.
Kasama sa pinag-aralan ng DOJ ang legal procedure sa pagbasura sa kasunduan at ang epekto nito sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Facebook Comments