Rekomendasyon ng DTI na payagan nang pumasok sa mall at mag-dine-in sa restaurants ang mga fully vaccinated, pinag-aaralan na ng MMC

Kinumpirma ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan na ng Metro Manila mayors ang mungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez na payagan ang mga fully vaccinated individuals na pumasok sa mga malls at mag-dine-in sa mga restaurant.

Sinabi ni Abalos na binabalanse rin nila ang malaking tulong nito sa muling pagbubukas ng ekonomiya at kung ito ba ay hindi magiging discriminatory sa iba.

Sa ngayon aniya ay pabor naman ang Metro Manila mayors sa mungkahi ni Lopez at maingat nilang pinag-aaralan ang polisiya kung sakaling matuloy ito ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.


Bukas naman si Abalos sa dalawa hanggang tatlong linggong hard lockdown kung kinakailangan subalit umaasa siya na magiging epektibo ang ipinatutupad na granular lockdown kasabay ng massive testing, isolation at vaccination.

Facebook Comments