Rekomendasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking, suportado ng Bureau of Immigration

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang rekomendasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT para sa mga nailigtas at maililigtas na biktima ng human trafficking sa ibang bansa.

Partular dito ang mga OFW na naging biktima ng mga scam hub (human trafficking) sa mga kompanyang nasa ibang bansa na maibalik sa Pilipinas.

Ang mga ito ay umalis ng bansa nang walang wastong dokumento at nahuli sa mga scam company sa bansang pinuntahan na hindi na bibigyan ng tulong.


Ang pagpabor ni Immigration Commissioner Norman Tancinco sa rekomendasayon ng IACAT ay matapos matuklasan na may ilan pa ring manggagawang Filipino ang matigas ang ulo na bumabalik sa katulad na trabaho sa illegal online.

Umaasa si Tancinco na dahil sa rekomemdasyon ng IACAT ay mababawasan ang bilang ng human trafficking at maligtas pa ang ibang OFWs na nabiktima nito.

Facebook Comments