Rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na palawigin pa ECQ sa NCR, iko-konsidera ng IATF

Mahigpit na ikokonsidera ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na palawigin pa ng 15-days ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ngayong araw ay isasapormal ng Metro Manila Council (MMC) ang kanilang rekomendasyon sa IATF.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, iginagalang nila ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors lalo na at katuwang nila ang mga ito sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR.


Kaya naman pag-aaralang mabuti at titimbangin aniya ng IATF ang kanilang rekomendasyon.

Bukod sa Metro Manila, una na ring inirekomenda ng IATF ang ECQ extension sa Albay at Zamboanga City.

Pero, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na desisyon sa ECQ extension.

Facebook Comments