Rekomendasyon ng Metro Manila mayors sa El Niño, pinaplantsa na

Courtesy: MMDA | Facebook page

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinaplantsa na ng Metro Manila mayor ang rekomendasyon sa ipapatupad na mga hakbang sa magiging epekto ng El Niño sa bansa.

Ito ay matapos na makabuo na ng task force para sa El Niño ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, ilalatag ng National Capital Region (NCR) mayors ang kanilang mga rekomendasyon sa muling pagpupulong bago matapos ang buwang kasalukuyan.


Ipapatupad naman ang anumang mapapagkasunduan sa Hunyo na siyang buwan ng pagsisimula ng El Niño na sinasabing posibleng tumagal hanggang sa 1st quarter ng 2024.

Facebook Comments