Rekomendasyon ng Senado laban kay Secretary Duque, mainam na ikonsidera ng Pangulo

Ipinapalagay ni Senate President Tito Sotto III na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong detalye ng mga pangyayari sa PhilHealth kaya patuloy syang nagtitiwala kay Health Secretary Francisco Duque III, na ayaw pa niyang palitan sa pwesto.

Kaugnay nito ay umaasa si Sotto na ipapabasa ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Pangulo ang report ng Senado na nagrerekomendang palitan na si Duque at kasuhan kasama ang iba pang opisyal ng PhilHealth.

Ayon kay Sotto, sana ay kausapin din ni Pangulong Duterte ang mga senador at hindi ang paliwanag o mga palusot lang ni Duque ang ikonsidera nito.


Iginiit pa ni Sotto na sa ilalim ng article 217 ng Revised Penal Code ay mananagot ang lahat ng may kinalaman at nagpabaya sa mga ilegal na transaksyon sa PhilHealth, lumagda man ito o hindi sa dokumento.

Damay aniya dito si Duque na siyang Chairman of the board ng PhilHealth.

Facebook Comments