Rekomendasyon ng UN member states na sumali muli ang Pilipinas sa ICC, dadaan sa masusing pag-aaral

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na kasama sa mga naging rekomendasyon ng United Nations (UN) member states sa Pilipinas sa isinagawang Universal Periodic Review (UPR) ay ang pagsali muli ng bansa sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Remulla na ang usapin ng pag-anib muli sa ICC ay kinakailangan niyang ikonsulta sa maraming sektor.

Kabilang sa kukonsultahin ni Remulla ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ang Pilipinas kasi ay umatras sa membership nito sa ICC sa ilalim ng Duterte administration.

Kakausapin din ni Remulla ang Senado at ang mga grupo na nagsusulong na maging miyembro uli ang Pilipinas ng ICC.

Ayon sa kalihim, kabilang sa ikukunsidera ay kung praktikal ba at kapaki-pakinabang sa bansa sa kabuuan ang pag-anib sa ICC.

Facebook Comments