Rekomendasyon ng United Nations Human Rights Council kaugnay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, pag-aaralan pa pamahalaan

Manila, Philippines – Pag-aaralan ngdelegasyon ng Pilipinas na nagpunta sa universal periodic review ang mahigit200 rekomendasyon ng United Nations Human Rights Council matapos ang kanilangpresentasyon sa war on drugs ng pamahalaan.
 
Ayon kay Senior Deputy ExecutiveSecretary Menardo Guevarra – ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya paramaipaliwanag sa konseho ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
 
Anya – sisiyasatin na ng PresidentialHuman Rights Committee ang rekomendasyon ng konseho at dito tutukuyin kung alinang kanilang aaksyunan.
 
Sinabi naman ni Council SpokespersonRolando Gomez – nagbigay ng matinding mensahe ang international community sapamahalaan ng Pilipinas.
 
Nasa limampung mga bansa angnaglabas ng pagkabahala patungkol sa Extrajudicial Killings at arbitrarydetentions kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.
 
Kasabay nito – inatasan ng konsehoang Pilipinas na magbigay ng malinaw na posisyon sa kanilang report naipipresenta sa susunod na sesyon sa Setyembre.
 
 
 

Facebook Comments