Rekomendasyon ng US State Dept. sa pagsawata sa human trafficking sa bansa, hiniling na i-adopt ng bansa

Hinimok ni Committee on Justice Vice Chairman at Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles ang pamahalaan na tularan ang hakbang ng US State Department sa pagsawata ng human trafficking sa bansa.

Ginawa ni Nograles ang mungkahi kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hulyo bilang National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month.

Bukod dito ay napanatili pa ng bansa sa Tier 1 ang ranking nito sa 2021 Trafficking in Persons na inilabas ng US.


Umaasa si Nograles na sa paggunita ng buwan na ito ay hahangarin din ng gobyerno na i-adopt ang rekomendasyon ng US State Department para pag-ibayuhin ang mga hakbang sa pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino laban sa banta ng human trafficking.

Naniniwala ang kongresista na kung sakaling i-adopt ng Pilipinas ang rekomendasyon ng Estados Unidos ay tiyak na makakatulong ito para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino.

Ilan sa mga rekomendasyon ng US State Dept. sa bansa ay pagpapaigting sa effort para imbestigahan, usigin at papanagutin ang sinumang sangkot sa human trafficking, palakasin ang reintegration services ng mga LGUs, at itaas ang suporta sa mga survivors.

Facebook Comments