Pormal nang isusumite ngayong araw ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang kanilang rekomendasyon sa pagpapaikli ng interval period ng pagtuturok ng COVID-19 boosters mula sa unang dalawang dose ng bakuna.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula sa anim na buwan ay posibleng gawing tatlo hanggang apat na buwan na lamang ang pagitan ng second dose at ng boosters.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na sinisilip nila ang pagpapaikli ng interval ng pagbibigay ng booster shots.
Mula noong Disyembre 3, pinapayagan na ang pagbibigay ng booster doses sa lahat ng fully vaccinated adults.
Facebook Comments