Rekomendasyon para mapataas ang COVID-19 booster vax, ilalatag ng mga health advocate sa gobyerno

Nakatakdang magpulong ang mga health expert para paghandaan ang posibleng pagpasok sa Pilipinas ng iba pang subvariants ng Omicron na dahilan ng surge ngayon sa ibang mga bansa.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Tony Leachon na sa gagawing pulong ay bubuo sila ng mga rekomendasyon sa gobyerno kung paanong patataasin ang booster vaccination sa pangunguna ng pribadong sektor.

Paliwanag ni Leachon, mas mataas kasi ang “vaccine acceptance” ng mga nagtatrabaho sa private companies kumpara sa mga tao sa komunidad.


Una na ring iminungkahi ni Leachon na unahing bigyan ng booster shots ang mga health workers at economic workforce.

Sa ngayon, nasa 68.5 million na ang fully vaccinated kontra COVID-19 pero 13.5 million pa lamang dito ang nakatanggap ng booster shot.

Facebook Comments