Rekomendasyon para sa 19 na pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, hawak na ng Philippine National Police

81

Manila, Philippines – Hawak na ni Philippine National Police (PNP)Chief Ronald Dela Rosa ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS)sa 19 na pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

 

Dismissal sa serbisyo, suspensyon, at demotion daw ang ilan samga rekomendasyon ng Internal Affairs Service laban kina Supt. Marvin Marcos at18 tauhan ng CIDG region 8.

 

Ayon kay Dela Rosa – hindi pa niya ito naipapakita kay PangulongRodrigo Duterte pero tiwala siya na irerespeto ito ng pangulo.

 

Aminado naman si Dela Rosa – na magkakaproblema sila ng PangulongDuterte kung hindi mapaparusahan ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Espinosa.

 

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na plano niyang bigyan ngabsolute pardon ang mga sangkot na pulis sa pagpatay kay Espinosa.

Isasapubliko ng PNP-IAS ang kabuhuan ng rekomendasyon kapagnasabihan na ang mga pulis na sangkot.

Facebook Comments