Manila, Philippines – Posibleng sa susunod na linggo na isusumite ng Armed Forces of the Philippines ang rekomendasyog paglalalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ito kasunod nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaubaya na nila sa militar ang pagdedesisyon kung dapat bang pahabain ang martial law.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa ngayon patuloy ang assessment ng AFP sa sitwasyon sa Marawi.
Bawat anggulo anya ay pinag-aaralan nila hanggang sa pag-usad ng rehabilitation process.
Kung makakabuti aniya na may batas militar sa pagsisimula ng rehabilitasyon walang dahilan para hindi nila irekomenda ang pagpapalawig ng martial law.
Sa kasalukuyan, dalawa sa apat na engineering brigade ng AFP ang naghahanda na para sumabak sa rehabilitasyon sa Marawi.