Rekomendasyong ibaba sa Alert Level 1 ang NCR, walang kinalaman sa eleksyon – MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang kinalaman sa eleksyon ang rekomendasyon na ibaba sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA officer-in-charge at General Manager Romando Artes, ang pinagbasehan ng Metro Manila mayors ay ang mga datos na kanilang nakukuha mula sa Department of Health.

Kabilang na rito aniya ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nauna nang inanunsyo ng MMDA na nagkasundo ang mga alkalde sa NCR na irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba na sa Alert Level 1 ang rehiyon sa Marso.

Facebook Comments