Rekomendasyong ideklara ang State of Emergency sa Pilipinas dahil sa ASF, isusumite na ng DA ngayong linggo

Magsusumite na ng rekomendasyon ang Department of Agriculture (DA) ngayong linggo kaugnay sa pagdedeklara ng State of Emergency sa Pilipinas dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tinatapos na ang nasabing rekomendasyon na nakabatay sa payo ng Senado.

Inaasahang anumang araw naman ngayong linggo matatapos na ang pasya kung saan agad naman itong ipapadala sa Malakanyang.


Sa ngayon batay sa tala ng DA, umabot na sa 1.1 bilyong piso ang naging alokasyon ng ahensiya para maibangon ang bansa dahil sa ASF.

P400 milyon dito ang gagamitin sa breeder farms, P200 milyon sa pagbangon sa mga lugar na apektado ng sakit at P500 milyon sa pautang na ibibigay sa mga backyard raisers nang walang anumang interes.

Facebook Comments