Hinihintay na lamang na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang minimum amount ng pork na pwedeng i-angkat sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV).
Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng supply ng baboy sa Metro Manila bunga ng African Swine Fever.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang resolution ng Department of Agriculture (DA) na layong itaas ang MAV para sa pork imports sa 402,210 metric tons mula sa 54,000 metric tons ngayong taon.
Ang MAV ay volume ng quantity ng isang agricultural commodity na pwedeng angkatin sa mababang tapipa.
Ipinapataw ang MAV sa imported agricultural products para tulungan ang mga bansa na nakadepende sa agrikultura.