Rekomendasyong kasuhan si dating PNP Chief Oscar Albayalde at labintatlo pa nitong tauhan, pinaboran ng ilang senador

Pabor sina Senator Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa rekomendasyon  ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan si dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde at labin-tatlo nitong tauhan sa Pampanga kaugnay sa isyu ng ‘ninja cops’.

 

Ayon kay Drilon, dapat nang makasuhan si Albayalde para mapatunayang ito ay nagkasala.

 

Bukod dito, nabibigyang babala din aniya ang mga pulis na hindi man sila mahuli ngayon para sa pagre-recycle ng droga, darating din ang panahon na mananagot din sila sa batas.


 

Paliwanag naman ni Lacson, kasong katiwalian lang ang aabutin ni Albayalde dahil dito lang may lumabas na ebidensiya sa imbestigasyon ng DOJ at ng senado.

Facebook Comments