Rekomendasyong mabigyan ng booster shot ang mga kabataang edad 12-17, naisumite na sa FDA

Nagsumite na ng rekomendasyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) para sa unang booster shot ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ngunit sinabi ni Vaccine Expert Panel chairperson Nina Gloriani na nakasalalay pa rin sa Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pinal na desisyon at rekomendasyon hinggil dito.

Ayon kay Gloriani, pag-aaralan pa nang maigi ng HTAC kung napapanahon na bang bigyan ng unang booster shot ang naturang age group.


Aniya, mas malakas kasi ang immune system ng mga kabataan kumpara sa mga nakakatandang indibidwal.

Kaugnay nito, wala pang rekomendasyon ang Vaccine Expert Panel para bigyan ng booster shot ang mga kabataang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments