Relasyon ng DSWD at LGUs, palalakasin para sa mas mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad

Pagbubutihin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relasyon nito sa Local Government Units (LGUs) sa panahon ng kalamidad.

Naniniwala si DSWD-National Capital Region (NCR) Director Michael Joseph Lorico na mas mapapabilis pa ang pagtugon sa kalamidad kapag maganda ang ugnayan ng DSWD at LGUS.

Paliwanag pa ni Lorico, ang kasunduan sa lokal na pamahalaan ng Navotas ay magbibigay daan upang mapadali ang paghahanda ng relief goods sa storage facility sa lugar.


Aniya, ang Navotas City ay kabilang sa mga lugar na mahirap pasukin noong nagdaang Bagyong Carina at Habagat.

Naging hamon sa kanila ang ilang areas na na-isolate sa panahon ng kalamidad.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng 302,789 Family Food Packs at mga Non-Food Items ang DSWD-NCR na nagkakahalaga ng P213.5 million sa mga Typhoon-Hit Families sa Metro Manila.

Facebook Comments