Relasyon ng PH at Japan, ‘extraordinary’ – Duterte

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Japan bilang ‘kapatid’ at umaasang lalalim pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-65 taong anibersaryo ng diplomatic relations.

Pinuri ni Pangulong Duterte ang ‘extraordinary’ relations ng Pilipinas at Japan.


Aniya, magiging malinaw ang tinatahak na hinaharap ng dalawang bansa.

“As I have said, time and again, Japan is a friend closer than a brother. Only a handful of our bilateral relationships have been deeply as transformative as the one we have in Japan. I am confident that the Japan-Philippine strategic partnership will continue to strengthen as our people-to-people linkages continue to deepen,” sabi ni Pangulong Duterte.

“In celebrating the 65th anniversary of our diplomatic ties, let us honor the legacy of the extraordinary relationship between our country and Japan,” dagdag pa ng Pangulo.

Kinilala rin ni Pangulong Duterte ang Japan bilang “most valued partner”.

Tiwala rin ang pangulo na mas titibay pa ang relasyon sa pagitan ng dalawang magkaalyadong bansa.

Hangad din ng pangulo sa Japan na magtagumpay sa pagho-host ng Olympics ngayong taon.

Facebook Comments