Relasyon ng Pilipinas at Amerika, hindi magbabago – Malakanyang

Walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan kahit sino ang manalong Presidente ng Amerika ay mananatiling maganda ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon pa kay Roque, sakali naman na si Biden ang manalo, nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-kaibigan dito.


Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo, maiging hintayin ang resulta ng ikinakasang eleksiyon sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.

Maging si US Embassy Chargè d’Affaires John Law, inaasahan na magiging maayos ang relasyon ng Amerika sa Pilipinas kahit sino ang manalo sa dalawa.

Facebook Comments